SHUT UP!

Ang gago na lang talaga ng taong ito.

Matapos ang trahedya at matinding patayan sa Blackburn, Virginia kung saan ang pagkakapatay sa maraming estudyante ay maaring magsimula ng malawak na diskriminasyon laban sa mga Koreano at mga Asyano, ito na naman ang isang magaling na Pilipino na maaaring makadagdag sa pagkainis ng mga Kanluranin sa mga Pilipino.

Binanggit ni Justice Secretary Raul Gonzalez na ang pagkakamatay o pagpatay kay US Peace Corps volunteer Julia Campbell ay maaari ring ibintang sa kanya. Ito ang istorya.

Hindi ko lang alam kung bakit kailangan pang sabihin ni Gonzalez ang ganoon. Maaring ito ay para mabigyang linaw ang lahat. Ngunit patay na yung tao.

Hindi ako nagpapakatuta sa mga puti pero para sa akin, hindi na makatao ang pagsabi nang ganoon. Patay na nga e. At namatay pa si Campbell, isang volunteer na tumulong sa mga mahihirap, sa Pilipinas, ang bansang kanyang tinulungan. Maaaring naging biktima siya, pero labis na ang paratangan pa siya sa pagiging ‘tanga.’

Tumira si Campbell sa Pilipinas ng mahigit dalawang taon. Malamang alam na niya na mahirap ang pakiramdam ng nag-iisa, lalo na’t babae siya. Sigurado alam niya iyon.

Nakakahiyang isipin na kailangan na nating tanggapin na lubhang laganap na ang krimen sa Pilipinas. Ang kailangan na lang nating gawin ay mag-ingat.

Pero sana naman, mayroon ding mga pagkakataon na maging payapa ang mga daan, walang patayan at walang gulo. Sa palagay ko, iyon ang nasa isip ni Julia Campbell nang binagtas niya ang daan kung saan siya namatay sa Banaue.

Batid sa blog ni Julia ang labis niyang pagmamahal para sa bansa. Niyakap niya kung ano ito. Isa siya free spirit, manlalayag na handang harapin kahit ano. Hindi nga lang niya nalampasan ang isang lalaking pumatay sa kanya.

Ang kanyang pagkamatay ay nakakahiya para sa atin at para sa bansa. At higit sa lahat. nakakahiya ang sinabi ni Raul Gonzalez.

Kahit na sabihin na nating totoo ito, hindi ito nararapat para sa sitwasyon. Hindi na kailangan itong sabihin, kailangan na lamang aksyunan ang mga hakbang na kailangang gawain para mabigyang katarungan ang pagkamatay ni Julia.

Sumanalangit nawa ang kanyang kaluluwa.

At para kay Raul Gonzalez, SHUT UP!

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: