under the klieg lights, staring at the camera

grabe na lang kanina.

natapos na ang aming shoot para sa company TVC kung saan ako ang puchang bida. shet talaga. kanina lang talaga, kung kailan nagroroll na ang film at nakatutok na sa akin ang mga klieg lights ko lang narealize na “shet, showbiz na ito.”

may production kasi ang aming department, Corp Comm, na isang television commercial na para daw sa internal audience (mga empleyado) at para daw sa international audience (kasi para sa mga investors). tapos naghahanap sila ng talent. at yun, kinuha na lang nila ako kasi despite my super-poging-jologs looks, i had “character” daw. pucha. ang galing nga eh. hindi ko na kelangan ng portfolio or photos, katulad noong iba kong kasamang “models” sa shoot. ipinakita lang daw nung isa sa mga boss ng ko yung picture ko sa customer service manual namin. at yun bumenta na daw ako sa director at sa production staff. ahaha. samantalang ang pinoportray ko dun ay isang “irate customer” at grabe-todo ang simangot ko dun. kita gilagid.

di ayan, na-cast na daw ako. pero ako, bilang bunso sa aming office na lagi na lang napag-tri-tripan, hindi ako naniwala. sinabi nila ito sa akin last week. eh hindi nga ako naniwala, nagleave ako ng two days the following week. pagpasok ko ng wednesday, sabi na lang nila sa akin, “uy, tuloy ang shoot bukas. huwag kang mag-stripes kasi magwu-whirl yan sa camera.”

so ayun. natanggap ko na totoo pala yun. shet.

sabi ng direktor, ang concept ng TVC ay patungkol sa mga yuppie at mga middle class families. ayun, so yuppie daw ako.

may dalawang set-up. yung isa, sa isang office setting tapos kami mga yuppie. tapos yung isa naman, sa isang bachelor’s pad. birthday nung bachelor at sinurprise siya ng kanyang mga friends. ako yung bachelor. chuchal!

kahapon, thursday, yung shoot ng office setting. kaso bigla akong may meeting sa Energy Regulatory Commission (ERC), kaya hindi ako nakasama. (grabe, umaattend na ako sa mga big time meetings. shet.)

tapos kanina yung shoot ng aking birthday sequence. hala, sobrang clueless talaga ako. ang sabi lang sa akin eh magdala ako ng tatlong costume na smart casual. pero syempre bawal ang stripes. kaya, luge ako kasi hindi naman ako smart dresser at lahat ng pang-smart na porma ko eh stripes! kaya sorry talaga ako. panic ako ngayon. halukay ako ng damit. wala pa naman akong plain na magandang chic porma longsleeves na pwede na lang “i-schulze.” kaya nag-settle na lang ako sa isang red shortsleeved shirt at isang off-white na shirt, tight denim jeans at ang aking ever-jologs na striped Vans slip-ons.

pagdating ko sa office sa umaga, nakita ako ni Mr. Cuna (ang aming super boss) at tinitigan ako ng masama. paglapit nya sa akin, minura nya ako with a sly smile. it was his way of saying, “make me proud.”

pagdating ng 12 noon, call time na namin. ang shooting ay sa Glass House sa Powerplant Mall sa Rockwell. shet. twice pa lang ata ako nakapunta dun sa Rockwell.

ako yung pangalawang dumating, after Ms. K (itago na lang natin siya sa letter na ito). isa na siyang thundercat na mestiza. kahit 43 na siya, mukha pa rin siyang yuppie. tapos dumating si JV, girl ito ha at kamukha nya si Jeun Jie-Hyun o si Jenny sa Endless Love I. grabe, ganda nun. tapos si Lotus at si Justin. pucha mga gwapong tao na lang. tapos si PJ, six-footer na chinito tapos si Paul na isa ring six-footer na mestizo.

sabi ko sa sarili ko. “pucha, ako lang mukhang tao sa mga animal na ito. ang gaganda na lang nilang mga tao.” lahat sila artistahin talaga. mukhang artista. samantalang ako, kamukha ko lang si spike lee. shet.

so pumunta na kami sa Glass House sakay ang mga company car. yung Glass House pala may model unit sa may likod. Model unit pala yun sa Joya Condo sa Rockwell. shet ang shaley na lang nung lugar.

about 150 sqm yung floor area. has two floors, one den, a kitchen with a bar, a homely living room, a closet, a bath and an open bedroom. minimalist ang design so walang walls and divisions. yung CR at shower room open! wala man lang glass divider! so kitang-kita ang etits mo habang jumejebs ka. tapos yung isang side ng bahay purong glass.

so minake-upan na kami. ang nag-ayos sa akin eh isang bading na nagngangalang hazel. sabi nya may papa daw siyang Hapon. sinabi rin niyang totoong bading si Paolo Ballesteros.

noong simula, hindi ako mapakali dahil ang cheap ko tignan. samantalang lahat ng kasama ko naka-folded and hung, naka-topman. marks and spencer, levi’s, at iba pang designer brands. pucha ako hand-me-down lang. pucha. tapos ang ganda-ganda pa nila. tapos ako lang naka-red. kasi nga birthday ko nga. super alienated ako.

buti na lang, karamihan sa kanila, yung mga lalaki, striped ang mga shirts! e bawal yun. kasi nga nakakahilo sa screen. woohoo! napilitan tuloy silang magpalit! ahahaha! pero gwapo pa rin yung mga suot nila. shet.

nag-start na ang shoot. chronological ang sequence. ako yung una kasi yung scene parating ako galing work, tired at frustrated kasi birthday ko nga tapos walang gimik. inaayos na nung mga tao yung lights at yung mga black na telon para maregulate ang ilaw sa labas. tapos game na. kunwari papasok ako sa condo ko (wish ko talaga akin yung Glass House, kahit model unit lang) tapos biglang lights on! may happy birthday surprise! kunwari daw nagulat ako. ayun.

sinabi ko na lang sa sarili ko na kahit kamukha ko lang si spike lee, kahit na umurong yung etits ko kasi ang higante na lang mga tao at kahit na ako lang ang cheap ang porma, ako naman yung tangnang bida! di ba, AKO YUNG BIDA! mamatay sila sa inggit.

ayun, tuloy na yung shoot. naka-six takes ako. grabe nakakahiya pero maganda naman daw ang resulta. ewan ko. i trust the director. nasa t-shirt nya kasi si V sa V is for Vendetta. the man has taste.

tapos sunod yung group shot kung saan lahat ng tao sisigaw ng “SURPRISE!” noong una, mukhang patay yung mga mukha nila. pero later on, gumanda na lang sila. kawawa yung mga matatangkad na tao kasi wala silang head space sa camera, they had to stoop. mga nakalimang take sila.

tapos yung group hug shot namin. tinawag ko itong ganun kasi lahat nung mga magaganda ng tao had to show me love, birthday greetings and all! i even had the opportunity to make beso-beso the wonderful women! God loves me! mga four takes ata yun. God DID love me pala. ahahaha.

tapos ayun. tapos na. hazel was all praises for me. talaga lang ha. the others were. ewan ko. hindi sila friendly. wala talaga akong makausap ng matino. yung mga six-footer, puro yabangan. hay… pataasan ng ihi. dahil wala akong makausap, kinausap ko na lang yung direktor. tangna. kapal ko talaga. tinanong ko kung okay lang yung shoot ko. okay naman daw. tinanong ko kung ano yung mga nagawa na niya. mga documentaries daw. di kwentuhan na kami. hahaha. tapos kinuha niya yung e-mail ad ko. he’ll keep in touch daw kung may projects pa siyang iba. ahaha.

artista na ako. (sana)

so ayun ang kwento ng pagsisimula ng aking showbiz career. ahaha. joke lang. ecstatic lang ako.

7 comments so far

  1. maya on

    weeee! *applause, applause* *standing ovation*

  2. el pistolero on

    hihi.🙂

  3. chard on

    kongrats kirk! artista ka na! haha.

  4. dam-dam on

    grabeeeeeeee… di ko kinaya ang kleig lights. sana, maayos yung pagkailaw sayo. buwaha.

    sana rin ako na ang naging direktor para pahirapan ko ang mga 6-footer na mayayabang.

    grabe (uli). di na kita mareach kirkay.. whooo. whooo. whoooooooooooooooooooooooooooooooo. isa pa nga… wo.

  5. el pistolero on

    richard: hahaha. chamba lang yun.🙂 mamya daw initail screening. sana pwede. hehe.

    bebs: naku, sana nga ikaw na lang ang nagdirek. uy, baka this weekend, panonoorin ko yung Foster Child.🙂

  6. dam-dam on

    gagawa ka ng review? pwede mo okrayin lahat, wag lang ako ha? ha? ha? ha? ok.

  7. el pistolero on

    naku, hindi ako magiging academic kapag pinanood ko yun. magpapakamangha lang ako sa galing ni cherry pie. actually, hindi ko pa nga napapanood.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: